Posts

ANG PAGKAIN NG DUGO AY IPINAGBABAWAL NG DIOS

Image
TOPIC: PAGKAIN NG DUGO, PAKIKIAPID AT PAGSAMBA SA DIOS-DIOSAN 1. TANONG: KANGINO UNANG IPINAGBAWAL NG DIOS ANG PAGKAIN NG DUGO? Sagot: 1.1 Unang ipinagbawal ng Dios kay Noe at sa mga anak nito ang pagkain ng laman na may dugo. (Genesis 9:3-4, ADB1905) Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibibigay ko sa inyo. (Genesis 9:4) Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. 1.2 Ipinagbawal din ng Dios sa angkan ni Israel at sa mga nakikipamayan sa kaniya ang pagkain ng dugo. (Levitico 3:17, ADB1905) Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man. (Levitico 7:26-27, ADB1905) At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop. (Levitico 7:27) Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon. (Levitico 17:10, ADB1905)

ANG IGLESIA NG DIOS KAY CRISTO JESUS

Image
1. TANONG: ANO ANG KAHULUGAN NG 'IGLESIA' AYON SA BANAL NA KASULATAN Sagot: 1.1 Ayon sa Banal na Kasulatan, ang 'iglesia' ay samahan ng mga mananampalataya na naniniwala sa Dios at Anak ng Dios. (Gawa 12:5, ADB1905) Kaya ngat si Pedro ay iningatan sa bilanguan; datapwat ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya. (Gawa 14:27, ADB1905) At nang silay magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya. (Gawa 15:3, ADB1905) Sila nga, palibhasay inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang Fenicia at Samaria, na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at silay nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. (Gawa 15:4, ADB1905) At nang silay magsidating sa Jerusalem, ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na

ANG SANGBAHAYAN NG DIOS

Image
T1. MAYROON BANG SANGBAHAYAN ANG DIOS? S. May sangbahayan ang Dios, gaya ng nasusulat. “Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios.” (Efe. 2:19) (ADB1905) “14 Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, 15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa.” (Efe. 3:14-15) (ADB1905) T2. SA SANGBAHAYAN NG DIOS, SINO ANG LIKAS AT SARILING ANAK NIYA? S. Ang sariling Anak na naganyong lamang salarin. “Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.” (Roma 8:3) (ADB1905) “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buha

ANG PAMAMAHALA NG DIOS SA KANYANG IGLESIA

Image
ANG PAMAMAHALA NG DIOS SA KANYANG IGLESIA T1. KANGINO BA ANG IGLESIA? S. Sa Dios Ama at sa kanyang Anak na si Cristo Jesus. “Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.” (I Tes. 1:1) (ADB1905) T2. ANO BA ANG IGLESIA? S. Ang isang kalipunan ng mga tinawag ng Dios na isinama kay Cristo Jesus. “Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.” (I Cor. 1:9) (ADB1905) T3. BAKIT KAY CRISTO JESUS ISINAMA NG DIOS ANG KANYANG MGA TINAWAG? S. Upang panguluhan niya ang lahat ng mga bagay sa iglesia. “Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,” (Efe. 1:20) (ADB1905) “22 At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, 23 Na siy