Posts

Showing posts with the label liham pagliligtas

SAAN KA PATUNGO KAIBIGAN?

Image
April 1993 Mahal na kaibigan,      Kumusta ka na ngayon? Naniniwala ako na nakikilala mo na kung sino kasa liwanag ng salita ng Dios. Ito'y kung nabasa mo ang sinundang isyu ng ANG LIHAM PAGLILIGTAS. Ito ay kung matapos mong lumiham sa aming tanggapan at tumanggap ka ng katugunan tungkol sa paksang Nakikilala Mo Ba Kung Sino Ka? Muli ay narito ang isang mahalagang katanungan para sa lahat: SAAN KA PATUTUNGO KAIBIGAN?      Kaibigan, mahalaga ang buhay, hindi ba? Walang taong magnanais na mawala sa kanya ito. Meron ba? Kung meron man marahil ay siya na hindi nauunawaan ang kahalagahan ng buhay. Ito ay ang humahangga sa pagsu - "suicide". Ikaw kaibigan, nauunawaan mo ba kung gaano kahalaga ang buhay? Tunay na mahalaga ang buhay. Hindi isang aksidente ang buhay. May isang Dios na walang pasimula at walang hanggan na pinagmulan ng buhay. Siya ang Amang Dios na Makapangyarihan sa lahat. Sa Kanya mula ang lahat ng bagay. Tampok ang buhay. Sapagkat siya ay hindi Di...

NAKIKILALA MO BA KUNG SINO KA?

Image
  Marso 1993 Mahal na kaibigan,      Nakikilala mo ba kung sino ka? Maaring sabihin mo, "Ano bang klaseng tanong ito?" Ngunit sa katotohanan, ang bawat tao'y nararapat tanungin ang kanyang sarili kung sino nga ba siyang talaga. Sapagkat ang taong hindi nakikilala ang kanyang sarili kung sino nga ba siyang talaga ay walang direksyon sa buhay, hindi niya nalalaman kung saan siya nagmula at kung saan ang kanyang patutunguhan. Hindi mo man hinihingi ay nais kong ibahagi ko ang aking nalalaman tungkol dito.      Itinanong ko na rin minsan kung sino ba talaga ako. Sapagkat ayaw kong para akong pumapana sa dilim, na walang tiyak na patutunguhan. Ang katuguna'y nakita ko sa Biblia. Iisa pala ang pinagmulan lahat ng tao. Samakatuwid, ako at ikaw ay nagbuhat sa Dios. Ang sabi ng Biblia, "at nilalang ng Dios ang tao, ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae" (Gen. 1:27). Sila na unang nilalang...

PAANO MO SINASAMBA ANG DIOS?

Image
                                                            Pebrero 1993 Mahal na kaibigan,      Lahat ay sumasamba. Ito ang buod ng ating pag-aaral. Ang Biblia, mula Genesis hanggang Apocalypsis ay paulit-ulit na tumatalakay sa paksang ito. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng pagsamba?      Sabi nila, ang pagsamba ay ang pagpaparangal at paggalang doon sa higit na nakatataas. Ayon naman ka Jesus, sa Dios lamang ito nakaukol (Mat. 4:10). Ngunit paano mo ba sinasamba ang Dios?     Sinasamba  mo ba ang Dios sa pamamagitan sa pamamagitan ng pagluhod sa harap ng diumano'y kanyang larawan? Bawal ito (Exo. 20:4-5). Isa pa, anumang ukol sa paninging concepto sa Dios ay imposible (Jn. 1:18; 5:37; 1Jn. 4:12). Maging ang larawan ng Cristo nang nasa lupa pa siya ay walang naipi...

BAKIT HINDI MO SUBUKANG BASAHIN ANG BIBLIA?

Image
  Enero, 1993 Mahal kong kaibigan, Sabi nila ang Biblia daw ang pinakamaraming kopyang naiimprenta sa bawat taon. Sabi din nila ang Biblia daw ang pinakakaunti ang bumabasa. Kasama ka ba sa kaunting yaon? Kung hindi, bakit hindi mo subukang basahin ang Biblia? Basahin mo ang Biblia! Ayaw mo bang mabasa ang isang aklat na naglalaman ng animnapu't-anim (66) na munting mga aklat? Ang tanging aklat na isinulat na hindi kukulangin sa tatlumput anim (36) na magkakaibang tao na nasa bawat kalagayan ng pamumuhay? Nagsisulat sa tatlong (3) kontinente at mga bansa, sa haba ng panahong labinglimang daang taon (1,500 yrs)? Basahin mo ang Biblia! Ayaw mo bang mabasa ang unang limang aklat dito na pinagbasehan ng ating mga batas? Ang tunay na kasaysayan kung paano nagkaroon at nagsimula ang lahat ng mga bagay? Ang panitikan na kahanay ng mga dakilang panitikan sa daigdig? Higit sa lahat ang propesiya na nagsasabi ng mga bagay na mangyayari pa lamang? Basahin mo ang Biblia upang maging matalino, ...