Posts

Showing posts with the label mensahe

ANG PAG-IINGAT NA DAPAT GAWIN NG DALAGA AT BINATA SA PAKIKIPAGRELASYON (magkasintahan) UPANG MAGING MARANGAL ANG PAGSASAMA

Image
April 23, 2023 Maddela Quirino at Santiago City Isabela Ayon sa Philstar Global dated Feb. 17, 2023. Sa latest census na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nagsasama bilang mga mag-asawa sa ating bansa. Lumalabas na ang unmarried couple, live-in o cohabitation ay patuloy na tumataas sa Pilipinas. Almost 9% ang itinaas nito mula noong 2015. SA taong 2015 to 2020 lang ay nadagdagan ng limang milyong (5 million) Pilipino ang pumasok sa ganitong kalagayan at 400,000 naman ang humantong sa paghihiwalay.   Pinakamarami sa live-in ay nasa NCR (20%).   Ang region naman na pinakamaraming nagsasama na kasal ay nasa ating region (Cagayan valley) 47%.   Sa ating mga Iglesia ng Dios, ano ba ang turo ng biblia kapag gusto na nating bumuo ng sariling pamilya?   Okey lang ba na tayo ay makiuso ngayon sa nagiging trend na ito ng pagsasama?   Lalo na nga at halos tanggap na ito ng pamilyang Pilipino at ng lipunan sa kabuuan. Basahin po natin yung nakasulat sa Heb. 13:4 na...

AKO’Y TATAHAN SA BAHAY NG PANGINOON MAGPAKAILANMAN

AKO’Y TATAHAN SA BAHAY NG PANGINOON MAGPAKAILANMAN Jan. 1, 2023 Kapayapaan at kasaganaan nawa na mula sa ating Panginoong Dios Ama at mula sa ating Panginoong Hesus ang sumaating lahat sa unang araw na ito ng taon at tumagos nawa sa buong taon ng 2023. Nakatutuwa po na sa unang araw na ito ng taon ay hindi po ninyo nakakalimutan na umuwi sa bahay ng Dios at makipagkita sa mga kapatid at sama-samang magpasalamat sa ating kinikilalang Ama. Ito po ay nagpapakita lamang ng ating longingness sa ating Ama, yun bang feeling na gusto mo lagi Siyang kasama sa mga mahahalagang araw sa iyong buhay. Yung excitement na kapag may mahalagang okasyon ang gusto mong kasama ay yung mga mahal mo sa buhay, yung iyong mga kapatid, yung iyong magulang. Sa Awit 23:6 at 27:4, ang sabi doon na siyang pamagat ng ating teksto; “AKO’Y TATAHAN SA BAHAY NG PANGINOON MAGPAKAILANMAN.” Ang ganitong mga pag-uugali na ipinakikita natin, ang pagpunta sa kapilya sa araw ng pagkakatipon sa kabila ng maraming kadahilananan ...

INAGAW NG MASAMA ANG NAHASIK SA KANYANG PUSO

INAGAW NG MASAMA ANG NAHASIK SA KANYANG PUSO Mat. 13:19 December 18, 2022 Kapayapaan ng ating Diyos at ng Panginoong Jesucristo ang sumainyo pong lahat, ganoon din ang aking ibinabati sa mga kapatid na naka-online. INAGAW NG MASAMA ANG NAHASIK SA KANYANG PUSO. Ito po ang ating teksto para sa umagang ito na hinango sa Mat. 13:19.   Galing ito doon sa talinghaga tungkol sa maghahasik. 1.Daan 2. Batuhan. 3. Dawagan 4. Mabuting lupa. Yung paraan po noon ng pagbubukid nila ay medyo may kaunting kaibahan sa paraan ng pagbubukid na nakikita natin ngayon sa ating bansa, noon po ganito (show slide), isinasabog, sa atin po dito, ang pagtatanim ng palay   ay itinutusok (show slide). Ganito naman halos ang itsura ng sakahan lalo na sa mga hindi develop ang kalsada. Eto po yung ilang mga pics na nakuha ko. Yung field, then sa gilid niyan tinutubuan ng damo, then maliliit na mga bato sa gilid ng kalsada. Noong araw po lalo na kung maliit ang pag-aaring lupa siyempre gusto mo ma-maximize yun...