TANONG: ANO ANG MGA PATUNAY NA ANG DIOS AMA AT ANG ANAK NG DIOS AY MAY BUKOD NA KALAGAYAN? SAGOT: ANG MGA SUMUSUNOD AY ILAN LAMANG SA MGA PATUNAY NA ANG DIOS AMA AT ANG ANAK NG DIOS AY MAY BUKOD NA KALAGAYAN: 1. MAY NALALAMAN ANG DIOS AMA NA HINDI ALAM NG KANYANG ANAK NA SI JESUCRISTO. (Mateo 24:36, ADB1905 / Marcos 13:32) Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon ay walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. 2. SI CRISTO AY NAKIPAGUSAP AT NANALANGIN SA AMANG DIOS NA IBA AT NAKATATAAS SA KANYA. (Mateo 26:39, ADB1905) At lumakad siya {Cristo} sa dako pa roon, at siyay nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon may huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. (Marcos 14:35-36, ADB1905) At lumakad siya {Cristo} sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras. (Marcos 14:36) At kaniyang sinabi, Abba, Am...