ANG SANGBAHAYAN NG DIOS
T1. MAYROON BANG SANGBAHAYAN ANG DIOS? S. May sangbahayan ang Dios, gaya ng nasusulat. “Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios.” (Efe. 2:19) (ADB1905) “14 Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, 15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa.” (Efe. 3:14-15) (ADB1905) T2. SA SANGBAHAYAN NG DIOS, SINO ANG LIKAS AT SARILING ANAK NIYA? S. Ang sariling Anak na naganyong lamang salarin. “Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.” (Roma 8:3) (ADB1905) “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buha...