Posts

Showing posts from June, 2023

ANG PAGKAIN NG DUGO AY IPINAGBABAWAL NG DIOS

Image
TOPIC: PAGKAIN NG DUGO, PAKIKIAPID AT PAGSAMBA SA DIOS-DIOSAN 1. TANONG: KANGINO UNANG IPINAGBAWAL NG DIOS ANG PAGKAIN NG DUGO? Sagot: 1.1 Unang ipinagbawal ng Dios kay Noe at sa mga anak nito ang pagkain ng laman na may dugo. (Genesis 9:3-4, ADB1905) Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibibigay ko sa inyo. (Genesis 9:4) Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. 1.2 Ipinagbawal din ng Dios sa angkan ni Israel at sa mga nakikipamayan sa kaniya ang pagkain ng dugo. (Levitico 3:17, ADB1905) Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man. (Levitico 7:26-27, ADB1905) At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop. (Levitico 7:27) Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon. (Levitico 17:10, ADB1905) ...

ANG IGLESIA NG DIOS KAY CRISTO JESUS

Image
1. TANONG: ANO ANG KAHULUGAN NG 'IGLESIA' AYON SA BANAL NA KASULATAN Sagot: 1.1 Ayon sa Banal na Kasulatan, ang 'iglesia' ay samahan ng mga mananampalataya na naniniwala sa Dios at Anak ng Dios. (Gawa 12:5, ADB1905) Kaya ngat si Pedro ay iningatan sa bilanguan; datapwat ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya. (Gawa 14:27, ADB1905) At nang silay magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya. (Gawa 15:3, ADB1905) Sila nga, palibhasay inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang Fenicia at Samaria, na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at silay nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. (Gawa 15:4, ADB1905) At nang silay magsidating sa Jerusalem, ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ...