Posts

ANG HULA AT KATUPARAN NG PAGDATING NG IGLESIA NG DIOS SA MGA GENTIL

Image
Sa pagtalakay sa paksang ANG IGLESIA, ay ating nalaman at naunawaan ang mahahalagang katotohanan na: (a) ang Dios ang nagtayo ng kanyang iglesia, (b) ang kanyang Anak na si Cristo Jesus ang pinagtayuan, at (k) si Pedro ang saksi at pinagpahayagan ng Dios ng kanyang pagtatayo ng iglesia sa kanyang Anak na si Cristo Jesus. Nalaman din natin na ang Iglesia ng Dios na itinayo kay Cristo Jesus ay isang muling pagtatayo, na ang una ay ang iglesia sa ilang; na ang inilagay ng Dios na Pangulo noon ay si Moises. (Gawa 15:16-18; 7:35) . T1. KAILAN MULING NAITAYO NG DIOS ANG KANYANG IGLESIA? S. Nang araw ng Pentecostes, nang tanggapin ng mga apostol ang Espiritu Santo kasama ang iba pang mga kapatid. “At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangi...

ANG IGLESIA

Image
T1. ANO ANG IGLESIA? S. Ang Iglesia ay isang samahan ng mga sumasampalataya sa Dios,na nagsisitupad ng mga turo ni Cristo Jesus, na siyang itinalaga ng Dios na pangulo nito. “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia;…” (Col. 1:18) (ADB1905) “Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia.” (Col. 1:24) (ADB1905) T2. BAGO BUMABANG MULA SA LANGIT ANG ANAK NG DIOS, (JN. 6:38), MAYROON NA BANG IGLESIA? S. Mayroon na, ang Israel na bayan ng Dios, nang kanyang palayain mula sa pagkaalipin sa Egipto. “Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:” (Gawa 7:38) (ADB1905) Ang bayan ng Dios na Israel ay tinawag na “iglesia sa ilang,” pagkatapos na ilabas ng Dios sa Egipto na maka...

ANG TUNAY NA IGLESIA NG DIOS

Image
ANG TUNAY NA IGLESIA NG DIOS 1. Sa kalooban ng Dios, tinawag si Pablo upang maging apostol ni Jesucristo sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa mga pinapaging banal kay Cristo Jesus. 1 Cor. 1:1-2 2. Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa iglesia man ng Dios. 1 Cor. 10:32 3. Walang ugaling mapagtunggali ang iglesia man ng Dios. 1 Cor. 11:16 4. Wala ba kayong mga bahay na inyong makakainan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios. 1 Cor. 11:22 5. Ang iglesia ng Dios na pinag-usig ni Pablo bago maliwanagan. 1 Cor. 15:9 6. Kung papaanong pinag-usig na malabis at nilipol ni Pablo ang iglesia ng Dios. Gal. 1:13 7. Sapagkat kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus. 1 Tes. 2:14 8. Ano pat kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong...