ANG BULAANG PROPETA, BULAANG CRISTO AT ANTICRISTO
ANG BULAANG PROPETA, BULAANG CRISTO AT ANTICRISTO
Mat. 24:24; 1 Juan 2:18,22
December 5, 2022
Mat 24:24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at bulaang propeta at mangag-papakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hinirang.
1-Jn 2:18, 22 Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anti-cristo, kahit ngayon ay lumitaw na ang maraming anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.
Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang mga tumatanggi sa Ama at sa Anak.
2COR. 11:13 Ang mga iyan ay mga huwad na apostol, madadayang manggagawa at nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
BULAAN - HUWAD O PEKE, COUNTERFEIT
LIAR, UNTRUTHFUL, DECEITFUL O SINUNGALING
ANTI - OPPOSED TO OR AGAINST (Oxford languages), KONTRA, LABAN O SUMASALUNGAT.
Bagamat limang (5) character ito:
ANG BULAANG PROPETA, BULAANG CRISTO AT ANTICRISTO, bulaang apostol, mandarayang manggagawa ay iisang tao lang ba ito? Hindi
- Pero may mga similarity sila. Mamaya tingnan natin kung ano-ano yung mga yun.
Sila ba ay umiiral sa panahon ni cristo? Si Judas, kahit sa lumang tipan marami nang bulaang propeta.
Sa panahon kaya natin? Oo
Nasaan sila? (2 peter 2:1)
“But false prophets also arose among the people, just as there will be false teachers among you, who will secretly bring in destructive heresies, even denying the Master who bought them, bringing upon themselves swift destruction.”
- THEY ARE AMONG YOU.
PAPAANO MO MAKIKILALA? Mat. 7:15-16
15 “Beware of false prophets, who come to you in sheep's clothing but inwardly are ravenous wolves. 16 You will recognize them by their fruits. Are grapes gathered from thornbushes, or figs from thistles?
Maliwanag po na makikilala ninyo sila sapagkat ipinakikilala naman sila ng biblia. Napakaraming warning nga ang ibinigay ng mga apostol kung papaano sila makikilala ng sa ganoon ay hindi kayo madaya.
Kaya walang dahilan para tayo ay maloko nila, maliban na lang kung wala tayong tiyaga sa pag-aaral at pakikinig ng mga warning na nakasulat sa biblia, tamad sa pananalangin sa paghingi ng patnubay sa Diyos para maunawaan ang kanyang mga salita.
So ang bunga po nila ang magpapakilala sa kanila,
- Character - inner motives, standards, loyalties, attitudes, ambitions. Yung paraan ng kanilang pamumuhay ang komokontra sa kanilang mga pananalita. NAGTUTURO NG PAGPAPAKABANAL PERO MARUMI ANG PAMUMUHAY. Mapapansin mo yan sa paraan nila ng pananalita nila, sa mga kilos nila, sa mga reaksiyon nila.
- Driven by their own heads and hearts (Jer. 14:14; 23:16 read)
- Ang sinasabi ay hindi sumasang-ayon sa salita ng Dios. (Irrelevant babblings).
- Ang sinasabi ay hindi totoo (Neh. 6:8 NKJV) they invent them. JN. 8:44 from their own resources.
- No biblical sense ang sinasabi (base on genealogy o ng ninuno yung basehan,hindi biblia). 1Tim. 1:4-7
- Ang sinasabi ay tahasang MALI at kailanman ay hindi mangyayari o matutupad (Deut. 18:22 read)
- Speaks from God yet live an ungodly life, pakinabang lagi ang hanap at mahilig sa diskursiyon o pagtatalo, daldalan ang hilig hindi paggawa. (1Tim 6:3-5 read). Their lives produce rotten, bad fruit Mat. 7:15-20
- Arrogance and slander ang hilig gawin. 2 Ped 2:10 read.
- galit sa pamumuno o ayaw sumunod sa namumuno 2:10.
- Experts in greed, eyes full of adultery (2:14 read)
II. Creed o paniniwala - no narrow way or narrow gate. (Jer. 6:14).
- Itinatuwa si Cristo (1Jn. 4:2-3 read)
- Kung ano ang gusto ng tao, yun yung itinuturo. (2tim. 4:3, 1Jn. 4:5 read)
- Men-pleasers o nang-uuto ng nakikinig (Gal. 1:10; 1Thes. 2:3-4) kaya kadalasan umaabot sa pangugunsinti ng maling gawain ng miyembro sa kagustuhang dumami sila.
- Different source - sabi nga ni apostol Pedro sa 2Ped. 1:16 hindi ayon sa kathang mainam o pinagandang kwento yung sinasabi nila, hindi nila inimbento. So tayo ganun din dapat, sa bible lang, yung iba gumagawa pa ng ibang holy books nila eh o kaya naman gagawa ng sariling version ng bible para akma dun sa doktrina nila.
- Different message - Jesus Christ is central figure of our message, yung peke hindi, Pera ang central figure ng message. Material.
- Different appeal - they are appealing to the lustful desires of sinful human nature (kayamanan, kapangyarihan, kagandahan, kalusugan, etc). Panlupa.
- Ang tunay “What has God said in his Word?” Ang peke “What do people want to hear? What will appeal to their flesh.” Hindi sumasawata ng mga maling gawain o maling kaisipan ng kanilang tagapakinig. Laging okey lang ang lahat. Basta importante nandito tayong lahat sa araw ng linggo, yung gagawin ninyo after nito, bahala na kayo sa buhay ninyo. At basta sa katapusan, may kaloob ako.
III. Convert o napaniwala- same feather flocks together - superficial lang o pakitang tao lang ang ginagawa ng grupo, wala sa puso ang pagkilala sa Diyos, umaattend ng pagsamba para masabi lang na nagsisimba pero wala naman nauunawaan sa pinakikinggan. Maunawaan man pero hindi isinasabuhay.
Maaring madaming miyembro pero wala namang kabanalan ang grupo, kung papaanong mamuhay ang taga sanlibutan, ganoon din mamuhay ang mga tupang inaalagaan.
Tagay lang tayo pare, ubusin natin ang alak sa mundo. Wala namang kwenta kasal na yan, isang pirasong papel lang na napupunit yan, uso live-in ngayon, makiuso tayo o kaya kapag nangutang, wala ng bayaran. Sapakin mo pare minumura ka eh.
Yun namang tagapagturo, mema lang, yan ang gusto ninyo di bahala kayo.
Pero huwag ka, napaka self-centered ng mga ito. Walang ibang maliligtas, kami lang, kasi kami ang tunay na iglesia. Lalakas ng loob ano.
Yung convert ng huwad laging material things ang hinahanap. Ang primary blessings para sa kanila ay pera o ginhawa sa buhay, hindi yung buhay na walang hanggan na ibibigay ni Kristo sa kanyang pagbabalik. Tinatamad ng maglingkod kapag wala ng tinatanggap na biyaya sa lupa.
Yan po yung mga palatandaan na makikita ninyo sa isang huwad.
Tandaan po natin: God does not ordained false prophets and teachers, but He allowed them to exist. 1Cor. 11:19 read
“for there must be factions among you in order that those who are genuine among you may be recognized.”
We must not be naive o walang muwang: there will be false teachers among you (2 Ped 2:1). Kaya kapag pinalawak natin ang ating paningin sa buong kristiyanismo, karamihan na yata ng tagapagturo, ganito.
Bakit ito ipinapaalam sa atin: ano ang goal
- To protect the church. Some will enter the church to do more harm than good. All are welcome, Salvation is is open to all, we all need Christ, but we must not allow bad apple to influence the teachings of the church. Proteksiyunan natin ang iglesia.
- To avoid skepticism - questioning the validity or authenticity of the church dahil lang mayroong mga nakikitang mga iglesiang hypocrites. So dahil dun manghihina ka na, hindi na makikisama sa iglesia dahil sa kaisipang hindi naman totoo yung iglesia dahil meron namang miyembrong lasinggero, nangangalunya, mandarambong, mapanloko, mayabang, etc., hindi totoong iglesia yan. Kung uunawain lang natin ng husto ang mensahe ni apostol Pablo, kung papaanong hindi mawawala ang counterfeit teachers, of course hindi din mawawala ang counterfeit members. Grow-up, deal with them. Kailangan sila diyan, para sa ikalalakas ng iyong pananampalataya sa hinaharap.
Show the slides.
So kapag nakakita kayo ng huwad na manggagawa, sa labas o sa loob man ng iglesia. Labanan ninyong matatag ng inyong pananampalataya. 1Ped. 5:9. Bagamat naka-address yan dun sa pinuno, yan din yung technique na pwedeng apply sa kanyang mga ministro.
Kapag kapatid, 2Tes. 3:6, 14-15 read