ANG MABUTING MINISTRO NI CRISTO JESUS



ANG MABUTING MINISTRO NI CRISTO JESUS 

(1 TIMOTEO 4:6)


  1. SINO SI CRISTO JESUS?

1. Pangulo ng Iglesia ng Dios (Efe. 1:20-22)

2. Na siyang katawan niya (t. 23)

3. Ang Iglesia ng Dios (1 Tim. 3:15)


“Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia” Efeso 1:20-22


Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.” Efeso 1:23


“Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.” 1 Timoteo 3:15



  1. SAPAGKAT SIYA AY NASA LANGIT NA NGAYON, MAY PINAGKALOOBAN SIYA NA MAGING LINGKOD NIYA SA PAMAMAHALA SA IGLESIA?
  1. Nagkaloob ng iba’t ibang tungkulin (Efe. 4:11)
  2. Sa ikasasakdal sa gawaing panglilingkod (t. 12)
  3. Sa ikatitibay sa katawan o iglesia (ibid)


“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro;” Efeso 4:11


Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:” Efeso 4:12



  1. ANO ANG ISANG PANGKALAHATANG TAWAG SA IBA’T IBANG TUNGKULIN BILANG LINGKOD NI CRISTO SA PANGANGASIWA SA IGLESIA?
  1. Mga ministro ni Cristo (1 Cor. 4:1)
  2. Mga katiwala ng hiwaga ng Dios (ibid)
  3. Si Pablo ay ministro na apostol (Efe. 3:7; Col. 1:23, 25)
  4. Si Tiquico ay ministro (Col. 1:7; 4:7)
  5. Si Timoteo ay ministro ng Dios at ministro ni Cristo (1 Tes. 3:2; 1 Tim. 4:6)


“Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios.” 1 Corinto 4:1


“Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.” Efeso 3:7


“Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.” Colosas 1:23


“Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,” Colosas 1:25


“Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;” Colosas 1:7


“Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:” Colosas 4:7


“At aming sinugo si Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya;” 1 Tesalonica 3:2


“Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon:” 1 Timoteo 4:6


  1. ANO ANG MAGAGANDANG KATANGIAN NG MGA MINISTRO NG DIOS AT NI CRISTO?
  1. Tapat (1 Cor. 4:1-2)
  1. Sapagkat kinandili sa salita ng pananampalataya; magiging mabuting ministro (1 Tim. 4:6)
  1. Itinatakuwil ang katha at nagsasanay sa kabanalan (ibid, t. 7-8)
  1. Uliran ng nagsisisampalataya (t. 12)
  1. Sa pananalita
  2. Sa pag-ibig
  3. Sa kalinisan
  4. Sa pamumuhay
  5. Sa pananampalataya
  1. Masikap (t. 13)
  1. Sa pagbasa
  2. Sa pangangaral
  3. Sa pagtuturo
  1. Masipag at tumatalagang lubos (t. 15)
  1. Maingat sa sarili at sa kanyang turo (t. 16)


“Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios. Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging tapat.” 1 Corinto 4:1-2


“Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon:” 1 Timoteo 4:6


“Datapuwa't itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan: Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.” 1 Timoteo 4:7-8


“Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.” 1 Timoteo 4:12


“Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo.” 1 Timoteo 4:13


“Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat. Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.” 1 Timoteo 4:15-16



  1. PAANO MAGAGAWA NG ISANG MINISTRO ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ITO?


  1. Manatiling kay Cristo (Jn. 15:1-5)
  2. Pasanin ang kanyang pamatok (Mat. 11:29-30)
  3. Ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin (Heb. 12:1-2)
  4. Huwag lilingon sa likod (Luc. 9:62)


“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka. Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga. Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita. Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin. Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.” Juan 15:1-5


“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.” Mateo 11:29-30


“Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin, Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.” Hebreo 12:1-2


“Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.” Lucas 9:62


Naghanda: Late Elder Victorino G. Angeles Sr.


Click here if you want to -----> go back to page CHRISTIAN CHARACTER BUILDING