MAG-ISIP NA MAY KAHINAHUNAN

MAG-ISIP NA MAY KAHINAHUNAN 

(ROMA 12:3)


AUG. 14, 2022


Naimbag nga bigat kadakayo amin mga kapatid. Ang pag-ibig ng Diyos at ang kapayapaan ng ating Panginoong Hesus ang sumaatin pong lahat.


“THE MIND IS LIKE WATER. WHEN IT’S TURBULENT, IT’S DIFFICULT TO SEE.  WHEN IT’S CALM, EVERYTHING BECOMES CLEAR.


Ang ating pag-iisip ay para daw tubig sa ilog halimbawa, kapag maagos at malabo, mahirap nating makita yung ilalim, mahirap magdesisyon ng tama kapag magulo ang pag-iisip. Kapag naman daw pino ang agos ng tubig, parang mahinahong pag-iisip na laging nakapagdedesisyon ng tama. 

Kaya tayo pinapayuhan ng biblia na magkaroon ng mahinahong pag-iisip dahil lagi tayong dadalhin nito sa tamang pagdedesisyon.


Alam nating lahat na ang iglesia ay ikinumpara ni apostol Pablo sa isang katawan pero madaming sangkap, “Ita ngarud aduda a kameng, ngem mamaysa laeng a bagi.


1 Cor. 12:14-20 Ipabasa sa ilokano


Ta saan a maymaysa a kameng ti bagi, ngem adu. 15 No ibaga ti saka, “Agsipud ta saan a siak ti ima, saanak a paset iti bagi,” saan nga agbalin a bassit a paset daytoy ti bagi. 16 Ket no kunaento ti lapayag, gapu ta saan a siak ti mata, saanak a paset iti bagi,” saan nga agbalin daytoy a bassit a paset ti bagi. 17 No ti sibubukel a bagi ket mata, sadino ti ayan iti pangdengngeg? No ti sibubukel a bagi ket lapayag, sadino ti ayan iti pagangot? 18 Ngem inurnos iti Dios ti tunggal paset iti bagi kas pinangngepna daytoy. 19 Ket no aminda ket agpada a kameng, sadino ti ayan iti bagi? 20 Ita ngarud aduda a kameng, ngem maymaysa laeng a bagi.


Lahat ng bahagi ng katawan ay importante, lahat ng bahagi ay may ugnayan sa isa’t isa. Lahat ay nararamdaman ang kalagayan ng bawat isa.


1Cor. 12:21-26


Saan a mabalin nga ibaga ti mata iti ima, “Awan ti kasapulak kenka.” Wenno ibaga ti ulo iti saka, “Awan ti kasapulak kenka.” 22 Ngem dagiti kameng ti bagi a kasla a saan unay a mabigbig ket napapateg. 23 Ken dagiti kameng ti bagi a ti pagaruptayo ket saan unay a mabigbig ket ikkantayo ida iti naiindaklan a pammadayaw, ken kadagiti naalas a kamengtayo ket addaan iti ad-adu a dayaw. 24 Ita, dagiti napipintas a kamkamengtayo ket saanen a kasapulan nga ikkan iti pammadayaw, gapu ta addaandan iti dayaw. Ngem pinagmaymaysa amin ti Dios dagiti kamkameng, ken inikanna iti ad-adda a pammadayaw dagiti agkurang iti daytoy. 25 Inaramidna daytoy tapno awan koma iti panagsisina iti uneg ti bagi, ngem dagiti kamkameng ket aywananda koma ti maysa ken maysa nga addaan iti agpapada nga ayat. 26 Ket no agsagaba ti maysa a kameng, agsagaba a sangsangkamaysa dagiti kameng. Wenno no mapadayawan ti maysa a kameng, agrag-o a sangsangkamaysa dagiti kameng. 


Naalala ko nung nakaraang taon at kasagsagan ng pandemic, lock down pa noon at walang masyadong sasakyan sa kalsada at madami pang check point. Minsan isang gabi maglalagay ako ng gamot ko sa allegic rhinitis (inhaler). Since before bedtime ang take ko ng gamot kaya nakapatong ito sa side table ng kama. Nung kukunin ko na, natabig ko at bumagsak sa flooring. Udyok ng instinct, hinabol ko pero di ko nasapo, eh nakabote yung gamot, basag at yung bubog pumasok sa mata ko. Alam ninyo po ba yung ginawa ko? kahit mag-aalas dose na ng gabi, kahit na walang sasakyan, naglakad kami papunta ng ospital. Ang dahilan, napakahapdi, napakasakit dahil yung malaking piraso ng bubog, nasa loob ng mata ko. Awa ng Diyos, natanggal naman ng doctor yung napakalaking bubog sa aking mata.


Ganun ganun po tayo sa iglesia, ramdam natin dapat ang kalagayan ng bawat isa. Masaya tayo sa tagumpay ng ating kapatid, malungkot tayo at nakikidalamhati sa mga namamatayan. Nag-aabot ng tulong sa mga nagkakasakit. Marunong tayo dapat makiramdam sa mga pangangailangan ng bawat isa. Alam natin dapat ang mga problemang bumabagabag sa bawat isa lalo na kung ito ay humahadlang sa ating mga gawain at katungkulan sa iglesia. 

At higit itong dapat na alam ng mga manggagawa, sila ang dapat na manguna sa kawan, sila ang dapat na unang nag-iisip ng solusyon sa mga problemang dumarating sa kapatiran. At gaya ng ginawa kong example, Hindi ako tumigil hanggang hindi nawawala yung problema (yung bubog) kasi ayaw matanggal ng sakit hanggang nandun siya. Ganoon din dapat tayo lalo na ang mga manggagawa, hindi dapat tumigil hanggang hindi umaayos ang kalagayan ng kapatiran, hanggang hindi naalis ang problema.


Maliban na lang kung manggagawa ang problema.

Alam ninyo po ba na sa lokal ng Dadap Luna, may isang pamilya doon (5 sila) na nakikisama sa pananambahan natin doon. Alam ninyo po ba ang dahilan. Alam po ba ninyo ang problema. “PASTOR”. Yung kanilang mga pastor ay namumuhay ng hindi kristiyanong pamumuhay. Nagsisipaglasing at pinupulutan ay ang salita ng Diyos na nakasulat sa banal na kasulatan. 



Nag aaway away kapag lasing na dahil hindi magkaintindihan sa pinagtatalunang mga talata. Mga pastor na wala sa kahinahunan mag-isip, eh papaano nga, lasing. Resulta - umaalis ang kawan.


Huwag nawang mangyari sa atin ito, bagkus magsumikap tayo na alamin ang ating mga kaloob. Gaya ng nakasulat sa Efeso 4:12-16


Inaramidna daytoy tapno ikkanna ti kabaelan dagiti namati para iti trabaho ti panagserbi, para iti pannakabangon ti bagi ni Cristo. 13 Ar-aramidenna daytoy agingga a madanontayo amin ti panagmaymaysa iti pammati ken pannakaammo iti Anak ti Dios. Ar-aramidenna daytoy agingga nga agbalintayo a nataengan a kas kadagiti nakadanon iti naan-annay a panangrukod ni Cristo. 14 Daytoy ket tapno saantayo koman a kas kadagiti ubbing. Daytoy ket tapno saantayo koman a maipalla-palladaw. Daytoy ket tapno saantayo koman a maitayab iti tunggal angin ti sursuro, babaen iti kinasikap dagiti tattao iti kinagaramugam ti panangallilaw. 15 Ngem ketdi, ibagatayonto ti kinapudno iti ayat ken dumakkeltayo kadagiti amin a wagas kenkuana nga isu ti ulo, ni Cristo. 16 Pinagtitipon ni Cristo ti entero a bagi dagiti namati. Nagkakamangda babaen ti tunggal agtitinnulong a susuop tapno dumakkel ti entero a bagi ken pabilgenna ti bagina iti ayat.


Ang bawat isa ay dapat maayos na gumaganap ng tungkulin na nakaatang sa atin. Sa pamamagitan ng pag-ibig ay mapalakas natin ang pananampalataya ng ating kapatid. 

Sa pamamagitan ng pag-ibig ay magsitayo ang mga pastores sa inyong harapan bilang isang magandang halimbawa ng kristiyanong pamumuhay, ehemplo sa kawan. 

Sapagkat kung hindi, imbis na dumami tayo, mapapares lang tayo sa iglesiang kinabibilangan ng mga nakikisamba ngayon sa Dadap. Mauubos tayo, unti unting iiwan ng kapatiran ang iglesia. Sapagkat yung problema, ano man yan, hanggat hindi naalis, lilikha at lilikha ng sakit at paghina ng katawan.



So ano ang solusyon?


Una, alamain ang problema, 


Pangalawa, alisin ang problema ano man yan. Kapag ito ay problema sa buhay o maging masamang ugali man, humingi ng tulong sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at ito naman ay ibibigay Niya (Marcos 11:24).


Gapuna kunak cadacayo, Uray aniaman a tarigagayanyo, no agcararagcayo, patienyo nga awatenyon, ket maaddanto cada


Kapag tao, lalo na kung kapatid ang problema, ano ang payo ng biblia? Pakibasa yung Mat. 18:15-17. 


No makabasol kenka ti kabsatmo, inka kenkuana ket ilawlawagmo ti nagbasolanna. Ngem aramidem daytoy no duduakayo. No dumngeg kenka, napasublimon ti kabsatmo. 16Ngem no dina aklonen ti basolna, mangikuyogka iti maysa wenno dua a kaduam tapno, kas nailanad iti Nasantoan a Surat, ‘Mapatalgedan ti amin a pammabasol babaen iti pammaneknek ti dua wenno tallo a saksi.’ 17Ngem no dina denggen ida, ipakaammom iti iglesia. Ket no dina latta denggen ti iglesia, ibilangmon dayta a kabsat a kas maysa a ganggannaet wenno agsingsingir iti buis.”

Kung talagang ayaw parin makinig at nagpapatuloy sa paggawa ng masama na ikinasisira ng kapatiran, ano sabi ni Pablo sa 1Cor. 5:11?


 Ngem ita agsursuratak kadakayo a saankayo a makikadua iti siasinoman a maawagan iti kabsat a lalaki wenno kabsat a babai ken Cristo ngem agbibiag iti kinaderrep, wenno ti naagum, wenno ti agrukbab kadagiti didiosen, wenno ti naranggas ti panagsasaona, wenno mammartek, wenno manangallilaw. Saankayo a makipangan iti kasta a tao

.

Pangatlo, alamin ang kaloob ng espiritu:

1Cor.12:28


At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.


Efeso 4:11

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro.



Kaya napakaimportante tayo ay nagrereflect, nagmumuni muni, nag iisip kung ano ba ang ibinigay na Gawain sa atin ng Diyos. Sa tingin ninyo ba yung linggo linggo ninyong pag attend ng pagsamba ay sapat na para 


makapasok sa langit? Napakadali naman pala, pacheck kalang ng attendance instant langit na. Hindi po ganon, meron po tayong mga ibat ibang Gawain at katungkulan na dapat nating alamin dahil kung hindi, mahihirapan tayong maglingkod ng tapat sa Diyos.


Pang-apat  pagsikapan na gawin ng 100% ang kaloob kapag nalaman mo na kung saan ang gawain mo, kung sa pagtuturo, huwag kang magsawang mag aral, magbasa Tayo ng biblia araw-araw, may mga apps sa cellphone na matutulungan tayo para matapos natin ang buong biblia sa loob ng isang taon, ito mismo ang mag iischedule ng pagbabasa natin na hindi masyadong naapektuhan ang mga ginagawa sa araw araw, at ang ganda nito, matatapos nating basahin ang biblia sa loob ng isang taon. huwag naman tayong magturo dito sa pulpito ng hindi man lamang natin nirereview yung ating ituturo natin. Kung sa pagbibigay ay magbigay ka ng higit sa iyong makakaya gaya ng mga iglesia sa Corinto sa ulat ni apostol Pablo (2Cor. 8:3). 


 Sila'y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa.


Ang problema nga gaya ng lagi kong nasasabi sa mga lokal na napapasyalan natin, ang tao ngayon mas may pera para sa load sa cellphone pero kapag sa abuluyan sa iglesia, wala. May P10 per day para sa load pero P10 per day na iipunin para ibigay sa araw ng pagsamba, wala. Pero huwag ka, naghihintay ng langit yan pagdating ng Cristo.


At panghuli, Pakibasa po ang 1Cor. 13:1-7


Kas pangarigan agsaoak kadagiti pagsasao dagiti tattao ken dagiti anghel. Ngem no awan ti ayatko, nagbalinak a natagari a gansa wenno umaw-aweng a piangpiang. 2 Kas pangarigan addaanak iti sagot iti panangipadto ken maawatak dagiti amin a nailimed a kinapudno ken pannakaammo, ken adaanak iti amin a pammati a mangikkat kadagiti banbantay. Ngem no awan ti ayatko, awan pulos serserbik. 3 Ken kas pangarigan itedko amin a kukuak a mangpakan kadagiti nakurapay, ken itedko ti bagik tapno mapuoran. Ngem no awan ti ayatko, awan ti magunggonak. 4 Ti ayat ket naanus ken naasi. Ti ayat ket saan a naapal wenno napasindayag. Saan a natangsit 5 wenno naalas ti kababalinna daytoy. Saan daytoy a managinbubukod. Saan a nalaka nga agpungtot, wenno saan nga agbilang ti biddut. 6 Saan nga agrag-o daytoy iti saan a nalinteg. Ngem ketdi, agrag-o daytoy iti kinapudno. 7 Ti ayat anusanna amin a banbanag, patienna ti amin a banbanag, addaan iti talek maipapan iti amin a banbanag, ken ibturanna iti amin a banbanag.


Gawin natin ang lahat ng bagay sa pag-ibig. Nag aaral tayong mabuti sa pagtuturo hindi upang masabihan tayo na tayo ay magaling at matalino para sa atin sariling karangalan kundi upang masiguro na ang ating mga pinaniniwalan ay tama at totoo.Tumutulong tayo sa mga nangangailangan sa abot ng ating makakaya hindi para masabihan na tayo ay mabait at mabuti kundi dahil ayaw natin na ang ating kapatid ay manatili sa kanyang kalagayan sapagkat kung siya man ay dumaranas ng paghihirap, tayo man bilang kapatid ay naghihirap ang kalooban. Hindi tayo naiingit sa mga gumiginhawa sa buhay bagkus natutuwa tayo sa kanilang tagumpay. Natutuwa tayo kapag ang kapatiran ay lumalago at sama samang gumagawa sa ikapupuri ng Diyos at nalulungkot kapag lumalamig ang pananampalaya at nagsisialis ang iba. Lumalayo tayo sa gawaing masama ng kapatid at hindi ang tao mismo ang nilalayuan natin upang maramdaman niya na hindi natin kinokunsinte ang masama niyang gawain at ang nais natin ay magbago siya.

Ang patunay ng pag ibig ay pagtitiis, kapag natutunan na natin na makisama sa lahat ng uri ng pag uugali ng tao at lagi nating motibo ay maligtas ang bawat isa, maging yung mga kapatid na ang pag-uugali at pamumuhay ay parang hindi isang iglesia at handa tayong magsakripisyo para sa kanila, handa nating ibigay ang ating sarili para sa kanila. Masasabi mo kapatid, totoong umiibig ka na nga.


At ito ang Siyang tunay na pagkakilala sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig (1Jn 4:7)


Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.


Huwag nating kunsintihin ang mali, ngunit matuto tayong magtiis hanggang maituwid ang pagkakamali. Huwag nating pairalin ang galit sa pagdedesisyon bagkus manaig ang mahinahong pag-iisip para sa ikabubuti hindi lamang ng ating sarili kundi lalo na sa ikabubuti ng ating mga kapatid.

Loobin nawa ng Diyos na ibigay Niya sa atin ang Kanyang Espiritu at gabayan tayo nito sa ating pamumuhay. 


Muli, ang kapayapaan ni Kristo ang sumainyo mga kapatid.