MAKIPAGLABANG MATUWID

MAKIPAGLABANG MATUWID


Sept. 18,2022


Ang ibig po bang sabihin nito ay inuutusan tayo ni Kristo na makipag-away?


Ang sagot ay 'OPO” 


Ang isang kristiyano ay may kaaway at inuutusan tayo ni kristo bilang ating pinuno na labanan ito, sa inglesh “FIGHT”. 


Makipagbaka or “WAR, BATTLE”


So ang ibig po bang sabihin hindi tayo peaceful person at meron tayo dapat aawayin?


Huwag tayong malito mga kapatid. Simula ng tayo ay manampalataya kay Kristo ay nagpalista or enlisted na tayo bilang kawal niya, at tayo ay mga sundalong nakikipaglaban para sa kanya.


2Tim. 2:3

Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus."


Mahirap naman talaga maging sundalo, ang umaga sa kanila madaling araw. Hindi ka papasa kapag tur-ugin ka. Tayo rin naman di ba ganun din, kailangan gumising ka ng maaga para umabot ka sa paagsamba sa kapilya lalo na kung sa malayo ka nakatira. Ang kaibahan lang, sa kanila daily, sa atin weekly.


Ngayon kung tayo pala ay sundalo, anong klaseng laban ang papasukin natin? 

Barilan ba ito? 

Hand-to-hand combat ba? 

Kasi minsan may narinig ako na nagtuturo, susutuntukin daw siya nung kausap niya eh, so parang UFC ganon?


 Ano ang kaibahan ng laban ng mga sundalo ni Kristo sa mga sundalo na enlisted sa gobyeno?


Sabi sa Efe. 6:12, ang uri ng laban na ating papasukin ay ganito:


Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.”


Ang laban ng sundalo ng gobyerno ay minsan hindi maiwasan na  gumagamit ng dahas, minsan umaabot pa sa pagpatay. Hindi ganoon ang laban ng sundalo ni Kristo, ang tawag sa laban natin ay “SPIRITUAL BATTLE”, laban sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan na sumisira sa katotohanan ng Diyos, mga gumagawa ng mga pandaraya at nagpapasama sa mga aral ng Cristo, ang itinuturo hindi yung magaling at Tamang aral kundi yung kasalungat nito. Pakibasa po yung Gal. 1:8-9


Subalit kahit kami o isang anghel man na mula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa ipinapangaral namin sa inyo, sumpain nawa siya ng Diyos. 

Gaya ng nasabi na namin noong una pa, sasabihin ko ulit ngayon: Kung ang sinuman ay nangangaral nang salungat sa ebanghelyo na inyong natanggap, sumpain nawa siya ng Diyos.”


So yan po ang laban natin, hindi natin kailangang pumatay o manakit ng kapwa tao bagkus kabaligtaran ang dapat natin gawin, gaya ng sabi sa Roma 12:18


“Kung maari, Ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng tao.”


Kung ganyang paraan ang pakikipaglaban natin, sino Ang kaaway natin? Malakas ba sila? May pag-asa ba tayong manalo? 

Anong strategy ang pwede nating gamitin para sure-win sabi nga sa DOTA.


Ang sabi sa 1Ped. 5:8 ay Ganito


Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.”


So Diyablo pala kaaway natin at mukhang malakas at sa leon ikinumpara eh. 


May pag-asa kaya tayong manalo? 


Tingnan natin kung anong strategy ang pwedeng gamitin na itinuturo ng biblia. Ang sabi sa 2Tim. 2:3-5 mbb


Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno. Hindi maaaring gantimpalaan ang isang manlalaro kung hindi siya naglalaro ayon sa mga alituntunin.”


So PRACTICE daw, training at mukhang dapat ay rigid training kasi ang sabi “Kapag wala daw kaugnayan sa pagiging kawal mo” huwag mo ng pagkaabalahan yun. 

FOCUS dapat tapos PLAY BY THE RULES kaya sinabi dapat naglalaro ayon sa alituntunin.


Ang dagdag pa na strategy Ayon sa 1 Cor. 9:25-27


Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. 26 Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. 27 Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.”


DISCIPLINE. Sabi nga sa gaming strategy, be sure sa attack mo huwag tira ng tira. Then be a GOOD EXAMPLE sa kakampi.


Sa 2Cor. 4:2 eto pa ang sabi.


Tinalikuran namin ang lahat ng lihim at kahiya-hiyang gawain. Hindi kami nanloloko ng mga tao, at hindi namin pinipilipit ang salita ng Diyos. Sa halip, hayagan naming ipinapangaral ang katotohanan. Kaya't maaari kaming suriin ninuman sa harapan ng Diyos.”


So FAIR PLAY daw dapat, WALANG LOKOHAN NG KAKAMPI.


So ito po yung mga strat na itinuturo ng biblia na dapat nating gamitin para tayo ay manalo. Dapat po itong praktisin mabuti, dapat umabot tayo dun sa ito na ang maging ugali natin, kungbaga sa laro yun bang kahit nakapikit ka alam mo na ititira mo, yung sinasabi sa sports na muscle memory, automatic na kilos. 

Kapag ganyan, maaring nabot na nating yung sinasabi sa Efe. 4:14


Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang.”


Hindi na tayo maloloko ng kalaban kasi bistado mo na tira nila. Agad may counter attack ka sa bawat kilos nila.


Balikan natin yung mga naging laban ng Iglesia nung nakaraan, kasi importante din ito, kahit sa westpoint nga na sikat na paaralan ng mga sundalo ay pinag-aaralan nila yung mga “remarkable battles” na nagpabago ng historya ng mundo.


Meron ba tayong mababasa sa labanan sa iglesia na natalo tayong mga kasamahan? 

Ano ang naging pagkakamali nila? 

At ano resulta ng pagkatalo nila? 

Dalawang kwento yung ating gagamitin.


Isa yung kwento nung mag-asawang Ananias at Safira sa Gawa 5:1-11. Ano ang naging pagkakamali nila? NAGSINUNGALING.


Ayon sa kwento hindi nila sinabi ang totoong halaga ng pinagbilhan nila ng lupa na ipinangako nilang ibibigay sa Diyos. Niloko pa yung mga apostol sa presyo ng halaga ng pinagbilhan. Ang akala siguro nila madadaya nila, eh ang problema hindi pala, kaya ayun, ang resulta namatay.


Isa pang kwento ay yung kay Himeneo at Alejandro sa 1Tim. 1:18-20:


Timoteo, anak ko, ang mga bagay na ito'y itinatagubilin ko sa iyo ayon sa mga pahayag na sinabi tungkol sa iyo upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipaglaban kang mabuti, 

19 taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi. May mga taong hindi sumunod sa kanilang budhi, at dahil dito, ang pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak. 

20 Kabilang sa mga iyon sina Himeneo at Alejandro, na ipinaubaya ko na sa kapangyarihan ni Satanas upang turuan silang huwag lumapastangan sa Diyos.”


Unlike Timothy, yung dalawa Hindi gumamit ng Tamang strategy na itinuturo na gamitin natin sa ating pakikibglaban. Ang resulta, nawasak daw ang pananampalataya at bilang parusa, ibinigay kay satanas. Hindi na natin alam ang naging detalye ng ending kasi hindi naman na sinabi sa kwento.


So sa ating pakikipaglaban mga kapatid, hindi tayo pwedeng gumamit ng daya, kasi yan yung strategy ng kalaban na hindi natin pwedeng pamarisan, ipinaaalala yang mabuti sa roma 3:13.


Parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan;

    pananalita nila'y pawang panlilinlang.”


Huwag tayong nanlilinlang, lalo na sa loob ng kapatiran at higit sa lahat kung ikaw yung tagapagturo. Kasi nakakatakot ang penalty mo kapag nagkataon. 


Huwag nating pagsamantalahan ang kabaitan ng mga kapatid, hindi nalilingid sa Diyos ang ating mga intention at mga iniisip. Humanda ka kapag hinarap ka na Niya. Basahin natin yung 2Ped. 2:13:


“Pahihirapan sila gaya ng pagpapahirap nila sa iba. Kaligayahan na nila ang hayagang magbigay kasiyahan sa kanilang pagnanasa. Dumadalo pa naman sila sa inyong salu-salo, ngunit kahiya-hiya at kasiraang-puri ang kanilang ginagawa; ikinatutuwa nilang kayo'y kanilang nalilinlang.”


Nakakatakot yung ulat na ito lalo na kung inumpisahan ninyong basahin sa talatang 9.


Kung bakit ganito kagalit ang Diyos sa ganito ang ugali, yung iba kasi, ang tingin sa iglesia ay pagkakaperahan, basahin natin yung 1tim. 6:5


Mahilig din siyang makipagtalo sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang mga taong ito'y nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.”


Yung iba kasi ang tingin sa iglesia insurance company, yung iba naman akala mo may patago sa iglesia, o kaya naman kapag humingi ng tulong sa kapatid eh napakademanding, para bang may utang ka sa kaniya kung makahingi ng tulong `at kapag hindi mo napagbigyan magtatampo o magagalit pa.


Yung iba naman di makakilos ng hindi maniningil ng gastos nila. Ang problema, nagdagdag pa sa expenses nila, kahit nga sa gobyerno may kaso ka kapag nahuli ka sa ganyang gawain eh.


Akala ba ninyo hindi alam ito ng Diyos na nagmamasid sa ating mga kilos? Akala ba ninyo maloloko ninyo siya dahil hindi naman kumikibo at dahil dun tuloy lang tayo.


Huwag sana nating sagarin ang pasensiya Niya at magpasalamat tayo na para bang nagbubulagbulagan siya. Hindi mo ba alam na baka binibigyan ka lang Niya ng pagkakataon na baguhin ang gawain mo dahil mahal na mahal ka Niya at ayaw niyang mawala ka sa pagkukupkop Niya.


Huwag sana tayong umabot sa nakasulat sa Fil. 3:18-19, pakibasa po.


Sapagkat tulad ng madalas kong sinasabi sa inyo noon at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 

19 Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na may kinalaman sa mundong ito.“


Huwag sana tayong maging kaaway ng Krus ni Cristo, yung bang bagamat nakaanib tayo sa kanyang katawan pero ang isip at gawa ay kasalungat sa mga tagubilin niya.


Sabi nga kanina, isa sa strategy para matalo ang kalaban ay FOCUS.

Dun sa kayamanan sa langit natin i-focus ang ating mga mata hindi sa kayamanan sa lupa na sandali mo lang ma-eenjoy at baka manakaw pa.


Huwag masyadong focus sa mga kasiyahan dito sa lupa sapagkat panandalian lamang yan. Hindi naman sinasabi na huwag maging masaya kaya nga hindi naman tayo binawal uminom eh, huwag ka lang maglalasing, hindi naman binawal kumain ng masarap, huwag lang yung namamatay na sa gutom ang kapatid mo eh wala ka paring pakialam.


Pag-aralan nating mabuti ang katuruan kung papaano matatalo ang kalaban, pero huwag tayong umasa sa sarili nating kakayahan. Alalahanin mo, dating anghel ang kalaban mo.


Bagkus sa bawat kilos natin ay paagapay tayo, kapag pagod ka na at nanghihina na sa mga tukso, “Learn to rest but do not surrender” at humingi tayo ng saklolo. Kapag sa tingin natin hindi na natin kaya, isurender mo ang lahat sa Diyos. Sumampalataya ka lang kapatid. Walang imposible sa Diyos at nandiyan lagi ang Kristo para magtanggol sa iyo.


Muli, ang pag-ibig ng Ating Diyos at kalakasan na nagmumula kay Kristo ang sumagana nawa sa Inyo mga kapatid.