MAPALAD ANG TUMUTUPAD NG MGA SALITA NG HULA NG AKLAT NA ITO

MAPALAD ANG TUMUTUPAD NG MGA SALITA NG HULA NG AKLAT NA ITO

APOC. 22:7






November 27, 2022


Behold, I come quickly: blessed is he that keepeth the sayings of the prophecy of this book."


Look, I am coming soon! Blessed is the one who keeps the words of the prophecy written in this scroll.”


Yung pong ginamit na salitang “soon” diyan ay galing sa greek word na “tachy or tachu” na pwede ding gamitin sa saling “quickly or suddenly” na siyang ginagamit ng ibang salin. 


So masasabi po natin na ang binibigyan po ng emphasis sa pagbalik ay hindi yung schedule, kasi tungkol dun sabi na nga ni Kristo maging siya di niya alam, ang Ama lang ang nakakaalam (Mat. 24:36), ang emphasis ay dun sa pamamaraan ng pagbabalik, kung baga may element of suprise kaya nga sabi sa ibang talata parang magnanakaw, kung kelan di inaasahan, kung kelan hindi ka handa saka biglang dadating (v.43-44).


Sino naman yung mga blessed? 

Yun daw pong tumutupad. Hindi po yung nakikinig lang, hindi po yung nagmumuni-muni lang sa napakinggan o yung nagbabasa lang o kahit na umabot pa doon sa pinag-uusapan paman kundi yung tagatupad. 


Maliwanag po sana ito dahil napaka-importante. Sino ang mapalad?

Not those who hear, wonder or talk will receive the blessing but those who practice or obey the prophesy in this book. 


Ang tinutukoy po dito ay hindi po yung libro lang ng apocalysis kundi yung totality ng mga libro, ito pong biblia mismo.


So ano po ang mangyayari sa mga tagatupad?

Sa Apoc. 21:4- 7 ang sabi doon ay ganito


  1. Papahirin ang bawat luha ng kanilang mga mata.
  • Ang pagluha ng tao ay reaksiyon sa dalawang bagay, kung physical ito, maaring may irritants na pumasok, napuwing, magluluha yan. Kung emotional naman, dalawang bagay din: resulta ng kalungkutan or yung tears of joy na tinatawag. Yung tinutukoy po dito ay pagluha dahil sa kalungkutan dahil kung hindi yun ang dahilan ng iyong pagluha, malamang aayawan mo yung kasunod. Yung

2. Wala ng kamatayan

  • ang malungkot na tao lalo na yung mga merong severe depression, hindi takot mamatay. Huwag nating isipin na mga nasa normal na kalagayan emotionally and physically, dahil ayaw natin ng kamatayan ay yun narin yung gusto ng lahat ng tao. Maraming tao hindi takot mamatay at yung nga iba ang gusto mamatay na sila. Bakit? Ano ang dahilan bakit yung iba hinahanap ang kamatayan imbis na buhay?
  • Sa medical science ito po ang karaniwang dahilan ng pagpapakamatay o suicide maliban sa mental illness: traumatic stress ( childhood sexual abuse, rape (22%), physical abuse (23%), war trauma. Substance or alcohol abuse. Kawalan ng pag-asa, chronic pain or illnesses, nabubully, failure, feeling pabigat at marami pang iba.


  • Kaya nga niliwanag mabuti sa talatang ito kung ano yung mawawala na kasama ng kamatayan. Yung pagluha dahil sa kalungkutan, luha dahil sa dalamhati, panambitan, luha dahil sa hirap. Dahil kung ang mga kapaitang ito lang din ang makakamit mo kasama ng buhay, mas maganda para sa iba na mamatay nalang. Kaya nga nasasabi ng iba lalo na yung mga nasa kalagayan ng torture, physically or mentally, ang buhay daw nila parang imperyerno.
  • Uulitin ko, Sa talatang ito, niliwanag na lahat ng kapaitang yan, mawawala na, ang sabi naparam na.


Sa halip ang magiging kapalit ay yung PAG-ASA na nakapaloob sa pangako ng pagkabuhay na mag-uli. Ano-ano yun? Review po natin yung ating doktrina tungkol sa mga pangako ng Diyos sa mga nagsisampalataya kay Kristo. Doon makikita natin na ang blessings sa atin ay hindi materyal na bagay kung saan yung iba dito nakasalig ang pananampalataya.


 Doon makikita natin na hindi sukat maitumbas lahat ng kahirapan at pasakit na meron dito sa lupa, ganoon din sa kaligayan o sarap na kayang i-offer ng sanglibutan na hinahangad ng marami. Sabi nga sa Roma 8:35-38 “walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo” ano pa man yan.


Kaya kapag yan ay maliwanag na maliwanag sa atin, yung pag-asa ng isang kristiyano na nasa kamay ni Kristo, kahit anong hirap pa ang dumating sa buhay mo, makakaya mong tiisin at hinding hindi sasagi sa isip mo ang pagpapakamatay. 

Sa kabaligtaran naman, kahit anong sarap pa ang ibibigay sa iyo ng sanlibutan ay hindi mo nanaisin na makamit kung ang magiging kapalit nito ay yung pangako ng Diyos sa Iyo na ibibigay Niya pagbalik ng kanyang bugtong na Anak.

Kaya napaka-importante na nakatanim sa ating puso ang PAG-ASA o HOPE ng isang iglesia, kasi kung hindi, mabilis tayong matutukso ng mundo, negative o positive man, maiwawalay tayo nito kay Kristo.



Ngayon ang tanong SURE BA YAN brod? Baka mamaya stir lang yan. Ano kasiguruhan?


Una, ang sabi ng Anghel na kausap ni apostol Juan diyan sa eksena na yan sa tatalang 6, “Ang mga salitang yan daw ay tunay at totoo”


Pangalawa, sabi ni apostol Pablo sa 2Tim. 3:16 ‘Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos o sa ingles “All scripture is given by insipiration of God”.


Pangatlo, Sabi naman ni apostol Pedro sa kanyang sulat sa 2Ped. 1:20-21: “Lahat daw ng mga hula sa kasulatan ay hindi galing sa sariling pagpapapaliwanag. Ang tao daw ay nagsasalita buhat sa Diyos, nangauudyukan ng Espiritu Santo.”


Ngayon, kapanipaniwala ba sila? O reliable source ba sila?


Yung unang source siguro hindi na natin kailangang ibackground check pa kasi anghel na eh. Ang titingnan nalang natin dito ay kung kumukontra ba sa salita ng Diyos yung sinasabi niya kasi sabi sa Gal 1:8, kapag kumokotra, kahit na anghel, itakwil. Pero dito sa eksenang ito ay sumasang-ayon naman sa ibang mga may akda ng banal na kasulatan kaya walang problema.


Sa tao, para ma-check natin kung pwedeng paniwalaan yung sinasabi ay sa pamamagitan ng naging buhay ng nagsasalitang tao. Marami kasing mga religious leader, kabaligtaran yung sinasabi sa ginagawa. Kaya nga maraming tao ang nawawalan na ng tiwala sa Kristiyanismo.

Check ninyo sa internet, napakaraming mga religious leader na convicted, usually ang kasalanan, suxual abuse sa minors.


Ang pangangatwiran nung marami, persecution daw at ikinukumpara pa ang mga sarili nila sa mga apostol na mga nakulong din at senentensiyahan din ng death penalty maliban kay apostol Juan.


Liwanagin natin na iba yung sa mga apostol, kaya nakulong at pinatay ang mga apostol dahil sa pangangaral tungkol kay Kristo na sumisira sa dominant pagan belief or state religion ng mga bansa noong panahon nila, ibig sabihin, pinatay sila dahil sa pangangaral kay Kristo at pagkontra sa mga paganong paniniwala.


Yung mga convicted religious leader na marami ngayon, ikinulong at senentensiyahan dahil sa paggamit sa relihiyon para abusuhin yung mga miyembro lalo na yung mga bata. Malaking kaibahan ng peke sa Tunay.


At ito yung mga mga gumagawa ng krimen DURING DUTY, ibig sabihin ginagawa nila ito habang nanunungkulan sa relihiyon nila, hindi yung BEFORE manungkulan. 

Ano ang importansiya ng DURING AT BEFORE. Yung before po maaaring nandoon sa kalagayang masama pa kaya hindi nanunungkulan at yung po ay maliwanag sa atin na naipapatawad kapag nagsisi at yumakap na sa tungkulin. Ang masama ay yung during active duty.


Bakit? Kasi tatak na yan ng bulaan (2Ped. 2:1-3,13-14,17-18,21-22)


So malaki po ang kaibahan ng conviction ng mga apostol sa conviction ng mga pekeng religious leaders sa ngayon. Yung mga apostol na-convict dahil sa pangangaral, yung mga peke na-convict dahil sa patuloy na paggawa ng kasalananan, usually rape nga ng minors.


Malaki ang kaibahan ng pagkakasala before at after manungkulan. Maging mga apostol man ay mga makasalanan before maging mga apostol pero hindi na nila ito binalikan pa o nilingon pang muli ng maging aktibo o “during” panunungkulan nila. 

Marami din pong mga manggagawa kahit na ano pang sekta na masasabi nating mga makasalanan before manungkulan katulad din ng mga apostol at hindi problema yun,

Ang malaking problema ay yung patuloy na paggawa nito habang nanunungkulan at ginagamit pa ang impluwensiya para makapagsamantala. Tatak po yan ng peke, scammer, huwad na manggagawa.

Maaring nagbago ng kaunting panahon, pero bumabalik muli sa kanyang sariling suka.


Kaya nakakatakot na basta-basta ka nalang naniniwala, kasi maraming mga ganito sa mga churches. Mga nagpapakunwaring manggagawa ng kaliwanagan. 

Papaano makikilala? Sa ugali. Sa ginagawa. Sa bunga.


Pero madalas naman po nating pinag-aaralan ang mga naging buhay ng mga apostol lalo na dito sa author ng dalawang talatang ginamit natin. Si apostol Pablo at Pedro, alam natin kung anong klaseng pamumuhay meron sila bago nila makilala si Cristo at kung ano ang mga naging pasakit at hirap ang mga naranasan nila para sa mga gawaing iniatang sa balikat kanila ng makilala at makasama na nila si Cristo.


Maging yung mga tukso na dumating para lang iwan nila yung kanilang ang pananampalaya alam din natin. Di ba sa B. Study lang natin last week, pareho silang sinamba ng ibang tao. Gaano kalaking tukso yun, kapag ganoon ang tingin sa iyo ng iba siguro lahat pwede mo ng gawin. 


Di ba niluluhuran at dinidiyos na sila doon sa kwento, pero di nila tinanggap bagkus kinilabutan pa nga at pakapakipakiusap na huwag ng uulitin ng mga gumawa.

Mas ginusto pa nung isa, si apostol Pablo na maputulan ng ulo sa Roma at yung isa naman, si apostol Pedro ay ipakong pabaliktad sa krus hanggang mamatay kaysa mahulog sa tukso ng Diyablo.


Kung ang mga taong ito scammer, makikita ninyo sa ending ng buhay nila. Hindi nila pipiliin yung mamatay para kay Kristo, ang pipiliin nila ay yung halos sambahin sila ng ibang tao, katulad ng gusto ng maraming lider ngayon hindi lang ng relihiyon. Kaya kung tatanungin natin uli, kapanipaniwala ba ang mga taong ito? Kung ako ang sasagot, isang malaking OPO, kapanipaniwala sila.


Sapagkat mula noong tawagin sila ni Kristo, hindi na nila binalikan yung dati nilang mga buhay, nakulong man, hindi dahil sa kasalanan kundi dahil hindi sila mapigil sa pangangaral ng evanghelio, hindi sila mapigil sa pagtuturo sa mga tao kung papaano ang pagpapapakabanal. Hindi sila mapigil sa pagpapakabuti.


At katulad ng mga apostol, sa panahon natin ngayon, Yun daw pong matuwid, lalo pang magpapakatuwid, yung banal, lalo pang magpapakabanal, at yung liko o masama, lalo pang magpapakaliko o magpapakasama. (Apoc. 22:11). 


At hindi naman na po lingid sa atin ito. Lahat halos ng aksiyong hindi tama ngayon ng tao laging may pangangatwiran. Yung sanctity of marriage lang, pansinin ninyo hindi narin halos binibigyan ng pansin ngayon lalo na ng mga kabataan, kahit nga mismo sa mga miyembro na ng iglesia parang hindi narin pinahahalagahan ito. 

Ang pamunuan natin o council of elders di ba lately nananawagan tungkol dito para maiiwas sa kasalanan at mailagay sa kaayusan ng pamumuhay ang mga mag-asawa sa loob ng iglesia, pero may tumutugon ba? 

Di ba ang labas nalang namin para kaming mga trumpetang maiingay, napapakinggan pero wala namang tumutugon. Uulitin ko po ang pamagat ng teksto natin, ang mapalad yung tumutupad, hindi yung nakikinig lang.


Wala po kaming ibang hangarin kundi akayin kayo sa kristiyanong pamumuhay, hindi po namin naging layunin na saktan kayo sa pamamagitan ng salita, kaya lang minsan hindi namin masabi yung gusto naming sabihin kasi paka-ingat ingat kami dahil baka mamaya, yung kapatid, madalang na ngang sumamba, eh tuluyan ng huminto kasi iniisip, laging pinariringgan ng pastor niya.


Sa paggamit lang po ng salitang God or Lord, na-bible study narin po natin yan, ang kahalagahan ng pangalan at kung papaano ginagamit yung 3 different usage of God. 

Lilinawagin ko po uli, yung small letter po ay kailanman hindi ginamit para sa Dios, ito po ay ginagamit sa dios-diosan o sa tao. Pero hanggang ngayon, makikita parin po natin na mukhang hindi parin nauunawaan ng kapatiran ang kahalagahan nito. 2nd commandment po yan, tungkol sa kabanalan at paggamit ng pangalan ng Dios. Maingat po tayo dapat dito.


Uulitin ko po, at ito rin naman ang sinasabi sa Santiago 2:14; Mateo 7:21-23;24…Hindi makapagliligtas ang pananampalatayang walang pagtupad…


Kaya huwag po kayong magagalit sa amin kapag nakakarinig po kayo ng pagsaway o pag-tatama lalo na sa araw-araw nating pamumuhay, iyon po ang katungkulan namin. Alagaan ang inyong spiritual life hindi every Sunday lang, kundi everyday. 


Meron po ba kayong nakitang tupa na nabuhay na minsan isang linggo lang kung kumain. 


Nandito po kami everyday, binabantayan kayo, sapagkat pinipilit naming maging tapat sa aming mga tungkulin. 


Tinuturuan kayo ng tamang ugali ng isang kristiyano, inaabutan ng pagkaing spiritual, inaakay kayong umawit ng himno para Diyos, inaayang magdasal, hindi po minsan isang linggo lang, kundi araw-araw. Ito ang katungkulang ng pastor, ang bantayan ang tupa araw-araw.


At kami ay nag-iingat na mabuti sa aming mga turo, kaya lagi namin itong nire-review, ng sa ganoon ay hindi kami masilat sa nakasulat sa Apoc. 22:18-19, yung nagdadagdag o nagbabawas at kapag kami ay nakakita ng mga turong ganito; yung dagdag-bawas, ipinapaalam namin sa Inyo ng inyong maiwasan. 

Katulad nalang nung Yahweh at Jehovah, literal na literal na pagdaragdag yan at sana naging maliwanag na sa inyo ang tungkol sa bagay na yan. Pwede po ninyong i-review sa Facebook group natin kung hindi pa malinaw sa Inyo.


Uulitin ko po, sa panahong malapit na ang pagdating ni Kristo, ang mga iglesia nararapat na lalo pang magpakabuti, nararapat na lalo pang magpakabanal kasi kung hindi aakayin kayo ng modernong pamumuhay sa ngayon sa lalo pang pagpapakasama. 


So mga kapatid, ang aking samo sa Inyo, huwag tayong maging tagapakinig lang, pilitin natin na maging tagatupad ng sa ganoon sa pagbalik ng ating Panginoong Jesucristo ay mapapabilang tayo doon sa tatawaging “MAPALAD.”


Ito po nawa ang pahintulutan ng Panginoon na magawa natin mula ngayon at magpakailanman. 

SIya nawa.