PAANO MO SINASAMBA ANG DIOS?
Pebrero 1993
Mahal na kaibigan,
Lahat ay sumasamba. Ito ang buod ng ating pag-aaral. Ang Biblia, mula Genesis hanggang Apocalypsis ay paulit-ulit na tumatalakay sa paksang ito. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng pagsamba?
Sabi nila, ang pagsamba ay ang pagpaparangal at paggalang doon sa higit na nakatataas. Ayon naman ka Jesus, sa Dios lamang ito nakaukol (Mat. 4:10). Ngunit paano mo ba sinasamba ang Dios?
Sinasamba mo ba ang Dios sa pamamagitan sa pamamagitan ng pagluhod sa harap ng diumano'y kanyang larawan? Bawal ito (Exo. 20:4-5). Isa pa, anumang ukol sa paninging concepto sa Dios ay imposible (Jn. 1:18; 5:37; 1Jn. 4:12). Maging ang larawan ng Cristo nang nasa lupa pa siya ay walang naipinta. Ang anumang larawang mayroon si Cristo ngayon ay bunga lamang ng imahinasyon ng mga artista.
Sinasamba mo ba ang Dios sa pamamagitan ng pagsunod sa relihiyon, Iglesia o kapatiran an iyong kinaaniban? Suriin mo baka aral at utos lamang ng tao ang ipinagagawa sa iyo? Sabi ng Biblia, "Pagpuri't pagsamba nila'y walang kabuluhan. Ang utos ng tao ay itinuturong turo ng Maykapal. Niwawalang kabuluhan nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo'y ang turo ng tao." (Mar. 7:7-8).
Sinasamba mo ba ang Dios sa pamamagitan ng sarili mong pamamaraan? Sa araw na may panahon ka at kung kailan mo lang gusto? Baka hindi ka maligtas? (Roma 10:1-3).
Bakit hindi mo subuking sambahin ang Dios sa paraang itinuturo niya? Ayaw mo bang makasama sa mga tunay na sumasamba sa Dios na hinahanap niya ngayon?
Sinabi ni Jesus, "Ngunit dumarating na ang panahon - ngayon na nga - na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa Kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa kanya. Ang Dios ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at katotohanan" (Jn. 4:23-24).
Biyaya at kapayapaang mula sa nag-iisang Dios Ama at sa nag-iisang Panginoong Jesucristo ang sumainyo.
Ang kapuwa sa Panginoon,
Aurel
Click here if you want to -----> go back to page ANG LIHAM PAGLILIGTAS
