PANATILIHIN ANG BANAL NA KARAKTER NG MINISTRO NI CRISTO



PANATILIHIN ANG BANAL NA KARAKTER NG 

MINISTRO NI CRISTO


  1. DAPAT NA MAGING ULIRAN NG NAGSISISAMPALATAYA 

(1 TIM. 4:12)

“Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.”


  1. Sa Pananalita (in speech)
  2. Sa pamumuhay (in conduct)
  3. Sa pag-ibig (in love)
  4. Sa pananampalataya (in faith)
  5. Sa kalinisan (in purity)


  1. DAPAT MAGSIKAP (1 TIM. 4:13)

“Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo.”


  1. Sa pagbasa (public and private reading)
  2. Sa pangangaral (exhortation; preaching and personal appeal)
  3. Sa pagtuturo (teaching and instilling doctrine)


  1. HUWAG PABAYAAN ANG KALOOB (gift which is in you)
  1. Sa mga konsagrado (t.14- … elders laid their hands upon you)

Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero.”


  1. Sa mga hindi konsagrado (t.15)

“Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.”


  1. Magsipag sa mga binanggit sa itaas
  2. Upang makamit ang pagsulong


  1. MAG-INGAT SA SARILI AT SA TURO (t.16)

“Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.”


  1. Look well to yourself; to your personality and to your teaching
  2. Sa ganito’y inililigtas ang iyong sarili at ang magsisipakinig sa iyo (by so doing you will save both yourself and those who hear you.


  1. PAKIKITUNGO SA LOBO

“Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.” Mat. 10:16

  1. Magpakatalino ganya ng ahas (be wary and wise as serpents) 
  2. Mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati - ibid. be innocent (harmless, guileness, and without falsity) as doves.


Lecture to Minsters in Ministerial Meeting

By: Late Elder Victorino G. Angeles, Sr.


Click here if you want to -----> go back to page CHRISTIAN CHARACTER BUILDING