SAAN KA PATUNGO KAIBIGAN?

April 1993

Mahal na kaibigan,

    Kumusta ka na ngayon? Naniniwala ako na nakikilala mo na kung sino kasa liwanag ng salita ng Dios. Ito'y kung nabasa mo ang sinundang isyu ng ANG LIHAM PAGLILIGTAS. Ito ay kung matapos mong lumiham sa aming tanggapan at tumanggap ka ng katugunan tungkol sa paksang Nakikilala Mo Ba Kung Sino Ka? Muli ay narito ang isang mahalagang katanungan para sa lahat: SAAN KA PATUTUNGO KAIBIGAN?

    Kaibigan, mahalaga ang buhay, hindi ba? Walang taong magnanais na mawala sa kanya ito. Meron ba? Kung meron man marahil ay siya na hindi nauunawaan ang kahalagahan ng buhay. Ito ay ang humahangga sa pagsu - "suicide". Ikaw kaibigan, nauunawaan mo ba kung gaano kahalaga ang buhay? Tunay na mahalaga ang buhay. Hindi isang aksidente ang buhay. May isang Dios na walang pasimula at walang hanggan na pinagmulan ng buhay. Siya ang Amang Dios na Makapangyarihan sa lahat. Sa Kanya mula ang lahat ng bagay. Tampok ang buhay. Sapagkat siya ay hindi Dios ng mga patay (Mat. 22:32). Siya ang Dios na ipinakikilala ng Biblia. Siya ang balong ng buhay at walang kamatayan. Ang lahat ng nagpapahayag na sila ay mga cristiano ay naghahangad na makarating sa Kanyang kinaroroonan. Maging alinmang relihiyon, ang pakay nila ay makarating sa kanilang Dios.

   Ngunit bagaman may isa lamang Amang Dios na balong ng buhay, at may iisa lamang siyang Anak na Dios (Efe. 4:6; Heb. 1:8) ang mga nangagtatag ng mga relihiyon ay nagkanya-kanya ng mga dios. Alam mo ba, kaibigan, na nagkani-kaniya rin ng Dios ang mga nagsasabi na sila raw ay mga cristiano. Sila ang nangagtayo ng kanikaniyang sekta sa ilalim ng bandilang Cristianismo. Ang nakalulungkot ay hindi na ang Dios ng Biblia ang kanilang itinuturo, sinasamba at pinaglilingkuran. Kung ikaw ay isang cristiano ay dapat kang magsuri. Baka hindi na ang ipinakikilala ng Biblia ang Dios mong sinasamba. Baka isang DIos na nilikha lamang ng may katalinuhang utak, mga lider ng mga sekta.

    Pag-aralan mo kaibigan, ang Dios ba na sinasamba mo ay yaong napakapopular sa lahat, yaong nasa ilalim ng misterio ng trinity: isang Dios na may tatlong persona? O baka yaong Dios na Ama na ang kanyang bugtong na Anak na isinugo sa lupa ay hindi naman gaya niya na Dios kundi isa lamang tao na gaya natin? May isa pang Dios na popular din sa nakararaming nagsasabi na sila ay cristiano, yaong Dios Ama na siya ring Amang Dios. Kaya dapat na magsaliksik ang isang tunay na nagnanais na makarating sa tunay na Amang Dios na sinasabi at pinatutunayan ng kanyang Anak na si Cristo Jesus. Ang sabi ng Anak ng Dios, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko." (Jn. 14:6) Samakatuwid ay dapat nating makilala ang tunay na Amang Dios na ipinakikilala ng kanyang Anak na si Cristo Jesus upang makatiyak tayo na Makapangyarihan sa lahat ang Dios na ating sinasamba na siyang magliligtas sa atin.

    Mahal na kaibigan, magalang akong mag-aanyaya sa iyo na lumiham sa alinmang address na nasa likod ng liham na ito, at buong katapatang paglilingkuran namin kayo.


                                                Ang iyong kapuwa lingkod ng Dios at ni Cristo Jesus,

                                                                                                        Ka. Victor


Click here if you want to -----> go back to page ANG LIHAM PAGLILIGTAS