AKO’Y TATAHAN SA BAHAY NG PANGINOON MAGPAKAILANMAN

AKO’Y TATAHAN SA BAHAY NG PANGINOON MAGPAKAILANMAN


Jan. 1, 2023

Kapayapaan at kasaganaan nawa na mula sa ating Panginoong Dios Ama at mula sa ating Panginoong Hesus ang sumaating lahat sa unang araw na ito ng taon at tumagos nawa sa buong taon ng 2023.

Nakatutuwa po na sa unang araw na ito ng taon ay hindi po ninyo nakakalimutan na umuwi sa bahay ng Dios at makipagkita sa mga kapatid at sama-samang magpasalamat sa ating kinikilalang Ama.

Ito po ay nagpapakita lamang ng ating longingness sa ating Ama, yun bang feeling na gusto mo lagi Siyang kasama sa mga mahahalagang araw sa iyong buhay.

Yung excitement na kapag may mahalagang okasyon ang gusto mong kasama ay yung mga mahal mo sa buhay, yung iyong mga kapatid, yung iyong magulang.


Sa Awit 23:6 at 27:4, ang sabi doon na siyang pamagat ng ating teksto; “AKO’Y TATAHAN SA BAHAY NG PANGINOON MAGPAKAILANMAN.”

Ang ganitong mga pag-uugali na ipinakikita natin, ang pagpunta sa kapilya sa araw ng pagkakatipon sa kabila ng maraming kadahilananan ay isang tanda ng inyong pagtalima sa pamagat ng ating teksto sapagkat kung papaano na ang isang tao ay laging nagnanais na makapiling ang kanyang pamilya sa bahay tuwing may mahalagang okasyon kaya nga may mga family reunion, sa pagpunta ninyo rito upang makibahagi sa kapatiran sa pakikipag-usap sa ating Amang Dios ay tandang hayag ng inyong pagnanais na tumahan sa bahay ng Panginoon magpakailanman.

Maraming tao ngayon puyat, marami pagod pero sa kabila nito, kayo nandito. Yun lang Siguro sapat na, hindi na kailangan pa ng maraming pagpapaliwanag para ipakita na kayo ay kasama sa sangbahayan ng Dios. Kayo ay pamilya ng Dios.


Papaano po ba na matatawag na isang pamilya ang grupo ng mga tao? Ayon sa Britannica Dictionary, ito po ang ibig sabihin ng pamilya.

FAMILY - a group of persons united by the ties of marriage, blood, or adoption, constituting a single household and interacting with each other in their respective social positions, usually those of spouses, parents, children, and siblings.

FAMILY LAW - it defines the relationship among family members. (BRITANNICA dictionary)


Tingnan natin kung matatawag ngang pamilya ang Iglesia.

1. GOD THE FATHER (parent)

2. JESUS CHRIST - PANGANAY (eldest child)

3. TAYO AY MAGKAKAPATID (children)


"Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid." (Mat. 23:8)

“Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos” (1Jn. 3:1)


Tayo naman ay naging kabahagi ng pamilya thru ADOPTION - Efe. 1:5

New Living Translation

“God decided in advance to adopt us into his own family by bringing us to himself through Jesus Christ. This is what he wanted to do, and it gave him great pleasure.”


4. BINDED BY LOVE (Mar. 12:30-31, 1Ped. 2:17)

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong pag-iisip mo at buong lakas mo.’ 31 Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”

“Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.”


5. SINGLE HOUSEHOLD - Efeso 2:19

“Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios”

'Consequently, you are no longer foreigners and strangers, but fellow citizens with God’s people and also members of his household,”


So yun pong mga components of family ay meron ang Iglesia kaya kahit sa pamantayan ng tao ay masasabi na ang Iglesia ay isang pamilya.

Ngayon pag-aralan naman natin ang mga pangangailangan para ang isang pamilya ay lumago at manatiling matibay.


CHARACTERISTICS OF FAMILY

1. They spend time together - (Making family time a top priority. QUALITY TIME) - katulad ng ginagawa natin sa araw na ito, 1st day of the year, nagsasama-sama tayo. Lagi tayong may oras para sa ating Ama, para sa isa’t-isa kahit na pagod o puyat pa tayo.We know that time spent together is crucial part para sa paglago ng pag-iibigan natin sa isa’t-isa. Ipinakikita din natin dito na we value God our Father above all else and we care about each other kasi alam natin na malungkot kapag kakaunti ang magkakasama.

2. They communicate - ang ating Ama nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng panganay nating kapatid na si Cristo, at si Cristo naman ay nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng banal na kasulatan especially new testament na karamihan ay sulat ng mga apostol, na ipinaliliwanag naman ng mga kapatid nating manggagawa at kapag may hindi tayo nauunawaan, itinatanong ninyo ito sa amin at yung ibang mas kailangan pa ng pagpapaliwanag ay itinatanong sa COE bilang siyang natalaga na tagapangalaga ng buong iglesia. Ginagawa natin ang bagay na ito in a constructive way. In loving manner sabi nga sa Efe. 4:15.

Normal sa pamilya ang minsan may misunderstandings, pero dapat ito ay maresolved agad.

3. They look out for each other, we support each other - kaya mahalaga na lagi po nating nalalaman ang kalagayan ng bawat isa, tayo ay may katungkulan bilang kapatid na makidalamhati sa mga kapatid na nalulungkot, makisaya sa mga nagagalak at tumulong sa nabibigatan. It is our responsibility as brothers and sisters.

"Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili." (Fil. 3:4).

4. We are spiritually committed - Our Life Must Be Guided by love of God (Jn. 14:15). Ito ang batas ng sangbahayan, kaya sa lahat ng ating ginagawa dapat lagi nating ina-apply ang batas na yan at lagi din natin dapat itinuturo ito sa mga susunod na henerasyon.

"Iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. 6At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; 7At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon"- Deut. 6:5-7


Minsan ang masakit, katulad ng human family na mayroong mga pasaway na anak, sa sangbahayan din ng Dios ay lumilitaw ito. Katulad halimbawa ng nakasulat sa Heb. 8:9: Meron mga hindi nagtatatapat sa tipan. 

Ano ba ibig sabihin ng tipan? KASUNDUAN. Katulad nung ginagawa natin ngayon, pakikipagkatipon, akala po ba ninyo simple lang na gawain ito? Hindi po, ito ay kasama sa TIPAN o KASUNDUAN na sinumpaan natin sa Dios nung tayo ay magpabautismo. At isa lang po ito sa mga tipan na ating ipinangako.

Yung iba hindi nagtatapat sa pag-ibig sa Dios na pinapakita sa pagsunod sa kanyang mga utos (1Jn. 5:3). Kapag naging ganoon ang ating ugali, pinababayaan na tayo ng ating Ama. At marami naring tayong mga naging halimbawa nito, nandiyan si apostol Judas Iscariote (pinakamagandang halimbawa na inuna ang pag-ibig sa kayamanan kaysa sa pag-ibig sa Dios) isama na natin diyan ang mag-asawang Ananias at Zafira. Si Himeneo at Alejandrino, who abandoned the purity of faith (1Tim. 1:19-20). Ganoon din si Fileto na nanggugulo pa sa pananampalataya ng ibang kapatid. (2Tim. 2:17-18).

Sila yung magagandang halimbawa na ipinakikita ng biblia tungkol sa mga pasaway na anak, pasaway na kapatid at kung ano ang ginagawa ng Dios sa kanila. Uuliting ko sa Heb. 8:9: PINABABAYAAN.

Ang mga ganitong pangyayari ay nagpapakita lang na ang paghuhukom ay nagsisimula na sa bahay ng Dios (1Ped. 4;17). Lagi nating tatandaan na tayo ay adopted children lang at ipinakikita din naman sa banal na kasulatan na kapag ang isang “pinagkalooban ng karapatan na maging anak ng Dios” at hindi sumunod sa utos ng Dios sa kanyang sangbahayan, ito ay kanyang inaalis, kanyang pinababayaan.

So we need to prove that we are worthy, papaano? Kailangan na maipasa natin yung tinatawag na “trials of faith” na nakasulat sa 1Ped. 1:6-7

“So be truly glad. There is wonderful joy ahead, even though you must endure many trials for a little while. 7 These trials will show that your faith is genuine. It is being tested as fire tests and purifies gold—though your faith is far more precious than mere gold. So when your faith remains strong through many trials, it will bring you much praise and glory and honor on the day when Jesus Christ is revealed to the whole world.” (NLV).


Ano yung madalas na gamitin ng Diyablo pang-test sa pananampalataya? Kung baga anong proseso yung madalas na ginagamit sa ginto para makita yung pagiging puro. Kung sa ginto ang ginagamitan ng apoy at asido katulad ng nitric acid or hydrochloric acid, sa pananampalataya naman ay ginagamitan ito ng tuksong katulad ng ginamit ng Diyablo kay Hesus,

Pagkain (basic human needs) kapag gutom na magnanakaw na, mangkikidnap na, manghoholdap kaysa tumiwala na hindi siya pababayaan ng Dios. Mas tiwala pa tayo sa doctor kaysa sa Dios sa pagpapagaling ng ating mga sakit kahit na sinasabi na nila na Diyos ang may hawak ng buhay hindi sila.

Kayamanan (bowing to satan in exchange of wealth), minsan umaabot ang ating pakikisama sa ibang tao at naapektuhan ang ating relasyon sa Dios dahil lang sa bagay na ito. Mas may panahon tayo na makisama sa mga kaibigan o tao na matutulungan tayo sa ating ikinabubuhay at paglago nito kaysa panahon na ikuukol natin sa ating Ama.

Kapangyarihan (misuse of power resulting to kayabangan). Minsan di natin napapansin na Ipinagyayabang na natin yung ating pagiging anak ng Dios. Minsan nawawalan na tayo ng pag-iingat kasi ang lagi nating ipinagmamalaki hindi tayo pababayaan ng Dios.


Ito ang madalas na gamitin ng diablo sa atin sa panunukso, at kapag ito ay nalampasan natin at napatunayan natin na “Diyos muna bago ang mga ito”, yun yung katunayan na puro o tunay ang ating pananampalataya. Kapag hinde, ibig sabihin, peke.

Magbasa tayo ng ilang experiences ng mga kapatid natin noong unang panahon para mapatunayan nila ang kanilang pananampalataya at tingnan natin kung may panama yung ating mga nagiging experiyensa sa kanila baka kasi akala natin ang laki-laki na ng nagagawa natin sa paglilingkod noon pala wala pa. Heb. 11:36-38

“Mayroon namang hinamak at hinagupit, at mayroon ding ikinadena at ibinilanggo. 37 Ang iba naman ay pinagbabato, nilagari sa dalawa, [tinukso],[b] at pinatay sa tabak. Ang iba'y nagdamit ng balat ng tupa at kambing, ang iba'y namulubi, inapi, at pinagmalupitan. 38 Hindi karapat-dapat sa kanila ang daigdig! Nagpagala-gala sila sa mga ilang at kabundukan. Nagtago sila sa mga yungib at lungga sa lupa.”


Ganyan po katindi yung trials na pinagdaanan nung mga una nating kapatid na natala sa biblia.

Si apostol Pablo man ay mayroong 1st hand expirience na katulad nito, basahin po natin yung 2Cor. 11:23-28:

“Sila ba'y mga lingkod ni Cristo? Mas mabuti akong lingkod ni Cristo kaysa kanila. Para akong isang baliw na nagsasalita ngayon. Higit ang aking pagpapagal kaysa sa kanila; mas maraming beses akong nabilanggo, hinagupit nang napakaraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. 24 Limang beses akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na hagupit mula sa mga Judio; 25 tatlong ulit kong naranasang hagupitin [ng mga Romano][b], at minsang pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang mawasak ang barkong aking sinasakyan, at minsa'y buong araw at gabi akong lulutang-lutang sa dagat. 26 Sa malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa aking mga kababayan at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga huwad na kapatid. 27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal. 28 Bukod sa lahat ng ito ay araw-araw kong pinapasan ang mga alalahanin para sa lahat ng mga iglesya. “


Ganyan po nila pinatunayan ang kanilang pananampalataya, maging karapat-dapat lang na maging kabahagi ng pamilya ng Dios, makapanatili lang sa pananahan sa bahay ng Dios.

Tayo kaya, papaano natin mapatunayan ang ating pagiging nararapat sa pamilya ng Dios?

Sa tuwing nawawalan tayo ng oras o panahon para sa pakikipagkaisa o pakikipagkatipon sa pagsamba sa ating Ama, alalahanin natin sila na mga nawalan ng oras maging sa kanilang sarili dahil sa pagkakabilanggo maging karapatdapat lang.

Sa panahon na kumakalam ang ating sikmura at naiisip natin na uunahin na magtrabaho na muna bago sumamba, minsan aabot pa tayo sa paggawa ng masama dahil sa gutom, alalahanin natin sila na hindi lang gutom ang naranasan, mga dumanas ng matinding uhaw, mga dumanas ng ginaw dahil walang maisuot na damit. Mga kapatid na namulubi, mga kapatid na walang matirahan mapatunayan lang ang sarili nila.

Kung dahil lang sa nahihiya tayo sa kaibigan kaya di natin mapanindigan na hindi tayo pwedeng sumaksi sa di katotohanan, kaya hindi tayo makahindi kapag kinukuha kang ninong o ninang sa binyag o bautismo ng bata kahit na alam natin na hindi binibinyagan o binabautismuhan ang bata.

Kung dahil lang sa takot kaya tayo hindi makasama sa pagmimisyon sa mga lugar na delikado. Alalahanin natin sila na mga hinamak, sinampal at tinanggalan ng kahihiyan para lang sa pananampalataya. Mga kapatid na hinagupit, nilagare, pinugutan ng ulo, mga pinatay para lang maging karapat-dapat sa sangbahayan ng Dios.

Let us reflect deeply mga kapatid, kung ikukumpara sa kanila yung ating trials, wala pa tayong napapatunayan, wala pa tayong nagagawa para sabihin natin at ipagmalaki sa iba na tayo ay karapatdapat na maging mga anak ng Dios.

Pero huwag po tayong mag-alala, sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa. Pwede naman tayong humabol, ipanalangin na huwag naman sanang umabot ang ating mga magiging karanasan sa trahedyang mga dinanas ng mga nauna nating mga kapatid. Bagkus maging inspirasyon natin sila na kahit na ano pa mangyari, kahit na ano pa ang dumating, sa hirap o ginhawa, Gagawin natin ang lahat para patunayan na tayo ay makapananatili sa tahanan ng Panginoon. Mga anak na kumikilos, nagtitiis tumutupad sa mga gawaing iniatang sa atin ng ating Ama na nasa langit.


Mahirap? Wala naman nagsabing madali.

Pakinggan natin ang payo ng isa sa naging pinakasikat sa art of self-defense at naging sikat pang artista, si Bruce Lee, ano ang payo niya?

“DO NOT PRAY FOR AN EASY LIFE, PRAY FOR THE STRENGTH TO ENDURE A DIFFICULT ONE.”

Let us prove ourselves to be worthy to live and stay forever in the household of our Father, our God Almighty.

Ito po nawa ang magawa natin sa pagsimulang ito ng taon hanggang sa huling hininga ng ating mga buhay. Maraming salamat po.