AMA AT ANAK: AYON SA PATOTOO NG BANAL NA KASULATAN
PINAGMULAN
AMA: Walang Pasimula
- Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan ikaw ang Dios (Mga Awin 90:2; Nehemiah 9:5)
ANAK: May Pasimula
- Ang pasimula ng paglalang ng Dios (apocalipsis 3:14)
- Nang pasimula siya ang Verbo (Juan 1:1)
- Ang panganay ng lahat ng mga nilalang (Colosas 1:15)
- Ipinanganak ng Dios (Hereo 1:5)
- Pinagkalooban ng Dios na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili (Juan 5:26)
- Nagmula at nanggaling sa Dios (Juan 8:42)
RELASYON
AMA: Ama ni Cristo
- Ako’y magiging kanyang Ama at siya’y magiging aking Anak (Hebreo 1:5)
AMA: Dios ni Cristo
- Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama at aking Dios at inyong Dios (Juan 20:17)
- Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo (Efeso 1:3,17; 1Pedro 1:3)
AMA: Panginoon ni Cristo
- Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon (Mateo 22:44)
AMA: Pangulo ni Cristo
- Ang pangulo ni Cristo ay ang Dios (1Corinto 11:3)
ANAK: Bugtong na Anak ng Dios
- Ito ang sinisinta kong Anak (Mateo 3:17)
- Ibinigay ng Dios ang kanyang bugtong na Anak (Juan 3:16)
- Ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios na buhay (Mateo 16:16)
KAPANGYARIHAN
AMA: Dios na Makapangyarihan sa Lahat
- Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat (Genesis 17:1; Apocalipsis 1:8)
- Ang Ama ay higit na Dakila sa ating Panginoong Jesucristo (Juan 14:28)
- Nakikita ang lahat ng bagay (Jeremias 23:24)
- Nagsugo kay Cristo (Juan 6:38)
- Bumuhay kay Cristo (Mga Gawa 3:15)
ANAK: Makapangyarihang Dios
- Makapangyarihang Dios (Isaias 9:6)
- Dios na may Dios at Ama (Hebreo 1:8-9; Juan 20:17)
- Ginawa ng Diosna Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong pinako (Mga Gawa 2:36)
- Hindi alam ang kanyang muling pagparito (Mateo 24:36)
- Sinugo ng Ama ang Anak (1Juan 4:14)
KAMATAYAN
AMA: Walang Kamatayan
- Ngayon sa Haring Walang hanggan, walang kamatayan (1Timoteo 1:17)
- Na siya lamang ang walang kamatayan (1Timoteo 6:16)
ANAK: Namatay
- Nalagot ang hininga (Mateo 27:50)
- Ang Nabubuhay at ako’y namatay (Apocalipsis 1:18)
- Namatay sa krus (Filipos 2:8)
PAGKAKAHAYAG
AMA: Walang Nakakita
- Walang taong nakakita kailanman sa Dios (Juan 1:18, 5;37, 6:46)
- Nagpapakita sa pamamagitan ng mga anghel (Mga Gawa 7:35)
ANAK: Nakita ng Lahat
- Ang Anak ay nakita, nahipo at namasdan (1Juan 1:1)
- Ng binuhay, nagpakita sa mga apostol at sa higit na limang daang kapatid (1Corinto 15:4-5)
KAANYUAN
AMA: Walang Pagbabago
- Ang Ama ay walang pagbabago, kahit anino ng pag-iiba (Santiago 1:17; Malakias 3;6)
- Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling (Bilang 23:19)
ANAK: May Pagbabago
- Ang Anak ay nagkatawang tao (Juan 1:14)
- Ipinaglihi at ipinanganak ng isang dalaga (Isaias 7:14)
- Nag-anyong lamang salarin (Roma 8:3)
- Nag-anyong alipin, na nakitulad sa mga tao (Filipos 2:7)
SOURCE: ALAM MO NA BA ITO? (pamphlet)
Click here if you want to -----> go back to page DOKTRINA
