SAAN KA PATUNGO KAIBIGAN?
April 1993 Mahal na kaibigan, Kumusta ka na ngayon? Naniniwala ako na nakikilala mo na kung sino kasa liwanag ng salita ng Dios. Ito'y kung nabasa mo ang sinundang isyu ng ANG LIHAM PAGLILIGTAS. Ito ay kung matapos mong lumiham sa aming tanggapan at tumanggap ka ng katugunan tungkol sa paksang Nakikilala Mo Ba Kung Sino Ka? Muli ay narito ang isang mahalagang katanungan para sa lahat: SAAN KA PATUTUNGO KAIBIGAN? Kaibigan, mahalaga ang buhay, hindi ba? Walang taong magnanais na mawala sa kanya ito. Meron ba? Kung meron man marahil ay siya na hindi nauunawaan ang kahalagahan ng buhay. Ito ay ang humahangga sa pagsu - "suicide". Ikaw kaibigan, nauunawaan mo ba kung gaano kahalaga ang buhay? Tunay na mahalaga ang buhay. Hindi isang aksidente ang buhay. May isang Dios na walang pasimula at walang hanggan na pinagmulan ng buhay. Siya ang Amang Dios na Makapangyarihan sa lahat. Sa Kanya mula ang lahat ng bagay. Tampok ang buhay. Sapagkat siya ay hindi Di...